Thursday, March 10, 2016

7th Philippine Pyromusical Competition


Loud, colorful, and magical - this is how I describe the first pyromusical show that I've witnessed so far. Last March 5, 2016,  just after a stressful week (that was 2 weeks actually, 1 week for the Midterm exams, the other week  for research), I joined my friends in watching the 7th Philippine Pyromusical Competition being held in SM Mall of Asia every Saturday from February 13 to March 19, 2016.

As expected, lots of people were also watching the event. Some, like us, are accompanied by their friends. Other audiences are dating couples. Only few are children or those who are with their families. One thing is common, though, everyone has a ready camera in hand. The camera comes in the form of a camera phone, tablet, iPad, digital cameras, or even DSLRs.  This must really be something to look out for, I thought.



Then the show began, and it began with the singing of the Philippine national anthem. I actually didn't expect this. Without much ado, the competition began. There were two countries that performed that night, Germany and Canada. Their national anthem were also played before their fireworks display.








I was so awe-stricken by what I saw, heard, and totally experienced. Borrowing my friend's words, it was indeed "a feast for my rods and cones and eardrums".


Just how do they do these? This is one form of science-meets-art kind of stuff. Definitely, a great way to end my week - - with a BANG! Literally.



For full videos, check out https://www.youtube.com/watch?v=W9B5cHX4UlM and https://www.youtube.com/watch?v=-LDux-0LRRQ.

Sunday, February 7, 2016

There's more at Manila Ocean Park

Ba't ganun yung title? Una kasi akala ko di ako mag-i-enjoy sa lakad na 'to. Eh di ba kasi iisipin mo puro isda-isda lang naman ang makikita mo. Kung wala ka pang sariling sasakyan, ang haba ng lalakarin mo mula Taft o Mabini dahil wala namang mass transport na diretso na sa Manila Ocean Park na malapit sa Manila Bay sa may Roxas Boulevard. Pero cool naman pala siya lalo na nung pumasok na kami sa Oceanarium. Ang sarap picture-an ng iba't ibang species ng isda. Challenging kasing kunan ang kanilang best angle habang lumalangoy sila sa tubig.
Nakakaaliw din ang mga doctor fish sa Fish spa. Sulit na sulit ang 10 minutes.


Thumbs up din ang informative displays papuntang trails to Antartica.
At although hindi main part ng MOP, I would like to commend the theme park's washroom. Iyon na yata ang pinaka-cozy sa mga napuntahan ko.

And the jellies! Nakakabaliw yung mga ilaw. And the way they move with these lights! Whew!
It was so nice to know also that they have this attraction called 'Back of the House'. Dito nila pinakikita kung pa'no nag-ooperate ang MOP, anong treatment ginagawa sa tubig galing sa Manila Bay para maging suitable ito for the different species of fish, etc.

I was also amazed sa Penguin Talk Show. Until now, di ko pa rin ma-decipher kung pa'no nagagawang isabay ng dubber 'yung sinasabi nya sa pagbuka ng bibig nung penguin. Live na live ang mga jokes. Truth is, pagkalabas na pagkalabas ko, gusto kung pumasok dun ulit para tingnan kung pareho lang ba ang magiging takbo ng show. Kulang na nga lang ang time namin. Hmpf!

Buti na lang 'di ako na-disappoint sa last show na pinanood namin. Ito yung sea lion show. First time ko ulit and I was pretty amazed talaga. Alam kong matagal-tagal din ang pag-train sa mga iyon. Great job, MOP staff!

MALANGAAN CAVE & SPRING - Most affordable, most exciting outdoor adventure yet!

Madilim pa lang noon ng January 19, 2016, gumising na ako para magprepare para sa kauna-unahang group backpacking experience ko ever! Di ko alam kung saan kami exactly pupunta nun pero tiwala akong magiging masaya ang experience. Bukod pa riyan, enjoy na talaga ang mga kasama ko. Katatapos pa lang ng 2nd semester prelim exams namin kaya lahat talaga ay nasa mood para mag-detoxify.

Unang-una akong dumating sa meeting place. Sabi kasi 4:30-5:00 AM ang meeting time. Since medyo malayo ako, inagahan ko talaga't ayoko naming maging dahilan pa ng pagkadelay ng trip namin. Nung kumpleto na kaming lahat, tumahak na kami papuntang Baliwag Terminal sa 2nd Avenue. Every 30 minutes ang alis ng bus. Sixty pesos ang pamasahe ng estudyanteng may dalang ID samantalang seventy-five pesos naman para sa mga estudyanteng walang ID at sa mga may dalang ID na hindi na estudyante. Alas sais y medya na kami nakaalis.

Isa't kalahating oras halos ang biyahe namin bago kami nakarating sa terminal ng Baliwag sa Bulacan. Malapit ito sa St. Augustine Parish Church o mas kilala sa tawag na Baliwag Church. Sumaglit muna kami rito at pagkatapos ay hinanap na ang jeep papuntang Barangay Pulo. Bente siyete pesos ang pamasahe rito. Punuan ang jeep. Buti na lang marami kami kaya mas madali na lang syang napuno at nakaalis kami agad. Matagal-tagal din kaming sakay ng jeep. Isang oras mahigit din siguro. Kwentuhan, kantiyawan, at kung anu-anong kalokohan na lang pinaggagagawa namin nung bumaba na ang mga pasahero liban sa amin.

Nang bumaba kami sa jeep, may mga tricycle ng naghihintay sa amin. Sandaan ang hiningi sa aming pamasahe. Nag-alangan ako sa una't medyo may kamahalan pero ng ma-experience ko ang tarik at kakaibang daan, na-realize kong sulit din naman pala ang bayad.

Sobrang simple lang ng lugar. Hindi ganun ka-komportable ang banyo. Payak at kaunti lang ang cottage. Pero malinaw ang tubig, may pinaparentahang salbabida, may video-singko, mabait at mura lang ang bayad sa tour guide, at ang ganda ng adventure!


Andaming pasikut-sikot sa kuweba. May trail na mabilis mo lang malulusutan. Meron namang sa sobrang hirap, kelangan mo pa ang E-D-F-IR-E-ER-E (Kung nasa medical field ka, alam mo to. :) Hehe) para makalabas. #TheStruggleWasReal talaga!

And after spelunking, there is nothing more refreshing than dipping into this:

Grabe! The best outdoor adventure ko ito so far! Mura pa kaya di rin ako na-stress masyado. KKB ang pagkain. At dahil ang galante ng mga kasama ko, andami naming pagkain samantalang ang gastos sa pamasahe papatak lang ng P 274-304.00

Bus (2nd Avenue to Baliwag)                                             P 60-75.00
Jeep (Baliwag to Pulo)                                                        P       27.00
Tricycle (Pulo to Malangaan Cave & Spring)                    P       50.00
Tricycle (Malangaan Cave & Spring to Pulo)                    P       50.00
Jeep (Pulo to Baliwag)                                                        P       27.00
Bus (Baliwag to 2nd Avenue)                                             P 60-75.00

Hati-hati na lang din kaming 11 na magkakasama sa cottage and tour guide fee. Kung di ako nagkakamali, P 50.00 lang ang ambagan namin nun. Iniwan na lang namin sa mga grupo ng mga tour guides ang natira naming pagkain. Sobrang dami kasi. Di nahalata na wala akong dinala. HAHA!