Sunday, February 7, 2016

MALANGAAN CAVE & SPRING - Most affordable, most exciting outdoor adventure yet!

Madilim pa lang noon ng January 19, 2016, gumising na ako para magprepare para sa kauna-unahang group backpacking experience ko ever! Di ko alam kung saan kami exactly pupunta nun pero tiwala akong magiging masaya ang experience. Bukod pa riyan, enjoy na talaga ang mga kasama ko. Katatapos pa lang ng 2nd semester prelim exams namin kaya lahat talaga ay nasa mood para mag-detoxify.

Unang-una akong dumating sa meeting place. Sabi kasi 4:30-5:00 AM ang meeting time. Since medyo malayo ako, inagahan ko talaga't ayoko naming maging dahilan pa ng pagkadelay ng trip namin. Nung kumpleto na kaming lahat, tumahak na kami papuntang Baliwag Terminal sa 2nd Avenue. Every 30 minutes ang alis ng bus. Sixty pesos ang pamasahe ng estudyanteng may dalang ID samantalang seventy-five pesos naman para sa mga estudyanteng walang ID at sa mga may dalang ID na hindi na estudyante. Alas sais y medya na kami nakaalis.

Isa't kalahating oras halos ang biyahe namin bago kami nakarating sa terminal ng Baliwag sa Bulacan. Malapit ito sa St. Augustine Parish Church o mas kilala sa tawag na Baliwag Church. Sumaglit muna kami rito at pagkatapos ay hinanap na ang jeep papuntang Barangay Pulo. Bente siyete pesos ang pamasahe rito. Punuan ang jeep. Buti na lang marami kami kaya mas madali na lang syang napuno at nakaalis kami agad. Matagal-tagal din kaming sakay ng jeep. Isang oras mahigit din siguro. Kwentuhan, kantiyawan, at kung anu-anong kalokohan na lang pinaggagagawa namin nung bumaba na ang mga pasahero liban sa amin.

Nang bumaba kami sa jeep, may mga tricycle ng naghihintay sa amin. Sandaan ang hiningi sa aming pamasahe. Nag-alangan ako sa una't medyo may kamahalan pero ng ma-experience ko ang tarik at kakaibang daan, na-realize kong sulit din naman pala ang bayad.

Sobrang simple lang ng lugar. Hindi ganun ka-komportable ang banyo. Payak at kaunti lang ang cottage. Pero malinaw ang tubig, may pinaparentahang salbabida, may video-singko, mabait at mura lang ang bayad sa tour guide, at ang ganda ng adventure!


Andaming pasikut-sikot sa kuweba. May trail na mabilis mo lang malulusutan. Meron namang sa sobrang hirap, kelangan mo pa ang E-D-F-IR-E-ER-E (Kung nasa medical field ka, alam mo to. :) Hehe) para makalabas. #TheStruggleWasReal talaga!

And after spelunking, there is nothing more refreshing than dipping into this:

Grabe! The best outdoor adventure ko ito so far! Mura pa kaya di rin ako na-stress masyado. KKB ang pagkain. At dahil ang galante ng mga kasama ko, andami naming pagkain samantalang ang gastos sa pamasahe papatak lang ng P 274-304.00

Bus (2nd Avenue to Baliwag)                                             P 60-75.00
Jeep (Baliwag to Pulo)                                                        P       27.00
Tricycle (Pulo to Malangaan Cave & Spring)                    P       50.00
Tricycle (Malangaan Cave & Spring to Pulo)                    P       50.00
Jeep (Pulo to Baliwag)                                                        P       27.00
Bus (Baliwag to 2nd Avenue)                                             P 60-75.00

Hati-hati na lang din kaming 11 na magkakasama sa cottage and tour guide fee. Kung di ako nagkakamali, P 50.00 lang ang ambagan namin nun. Iniwan na lang namin sa mga grupo ng mga tour guides ang natira naming pagkain. Sobrang dami kasi. Di nahalata na wala akong dinala. HAHA!

No comments:

Post a Comment