Ba't ganun yung title? Una kasi akala ko di ako mag-i-enjoy sa lakad na 'to. Eh di ba kasi iisipin mo puro isda-isda lang naman ang makikita mo. Kung wala ka pang sariling sasakyan, ang haba ng lalakarin mo mula Taft o Mabini dahil wala namang mass transport na diretso na sa Manila Ocean Park na malapit sa Manila Bay sa may Roxas Boulevard. Pero cool naman pala siya lalo na nung pumasok na kami sa Oceanarium. Ang sarap picture-an ng iba't ibang species ng isda. Challenging kasing kunan ang kanilang best angle habang lumalangoy sila sa tubig.
Nakakaaliw din ang mga doctor fish sa Fish spa. Sulit na sulit ang 10 minutes.
Thumbs up din ang informative displays papuntang trails to Antartica.
At although hindi main part ng MOP, I would like to commend the theme park's washroom. Iyon na yata ang pinaka-cozy sa mga napuntahan ko.
And the jellies! Nakakabaliw yung mga ilaw. And the way they move with these lights! Whew!
It was so nice to know also that they have this attraction called 'Back of the House'. Dito nila pinakikita kung pa'no nag-ooperate ang MOP, anong treatment ginagawa sa tubig galing sa Manila Bay para maging suitable ito for the different species of fish, etc.
I was also amazed sa Penguin Talk Show. Until now, di ko pa rin ma-decipher kung pa'no nagagawang isabay ng dubber 'yung sinasabi nya sa pagbuka ng bibig nung penguin. Live na live ang mga jokes. Truth is, pagkalabas na pagkalabas ko, gusto kung pumasok dun ulit para tingnan kung pareho lang ba ang magiging takbo ng show. Kulang na nga lang ang time namin. Hmpf!
Buti na lang 'di ako na-disappoint sa last show na pinanood namin. Ito yung sea lion show. First time ko ulit and I was pretty amazed talaga. Alam kong matagal-tagal din ang pag-train sa mga iyon. Great job, MOP staff!